MANILA, Philippines – Nilusob ng mga awtoridad ang illegal liquefied petroleum gas (LPG) operation sa Barangay San Ignacio, San Pablo, Laguna.
Naaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4A ang dalawang indibidwal at nakumpiska ang mga kagamitan at LPG products na nagkakahalaga ng tinatayang P8.2 milyon.
“The operation resulted in the seizure of assorted LPG cylinders, both filled and empty, along with decanting equipment, a weighing scale, and a truck tractor with trailer loaded with an estimated 19 tons of LPG,” sinabi ng PNP.
Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang gamit ay nasa kustodiya na ng operating unit para sa tamang dokumentasyon at legal proceedings.
Nagpapatuloy naman ang follow-up operations para mahanap ang mga natitirang suspek at matukoy ang lawak ng illegal na operasyon. RNT/JGC