Home NATIONWIDE UN naglunsad ng $1 million project sa pagpigil sa screwworm outbreak

UN naglunsad ng $1 million project sa pagpigil sa screwworm outbreak

2
0

FRANCE – Naglunsad ang International Atomic Energy Agency at UN food agency ng $1 million research project upang tumulong na masugpo ang screwworm outbreak sa America, kabilang ang hakbang na tugunan ang shortage sa sterile flies.

Muli kasing lumitaw ang peste sa Central America at Mexico at nakumpirma sa US ngayong buwan, ang kauna-unahang paglitaw nito sa mahigit 40 taon na banta sa livestock, wildlife, at mga alagang hayop na nagpataas sa presyo ng baka sa record high.

Ang emergency response efforts ay mag-oobliga ng hanggang 600 milyong sterile flies kada linggo.

Lumilikha ng 100 milyon ang nag-iisang operational facility na matatagpuan sa Panama.

Anila, ang planong kapasidad sa Metapa de Dominguez, Mexico, at Mission, Texas, ay makapagdaragdag ng hanggang 400 milyong sterile flies kada linggo sa mga susunod na taon.

Ang sterile insect technique ay nakatulong na masugpo ang peste mula sa US, Mexico at Central America sa mga naunang kampanya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here