Home HOME BANNER STORY Halos 1.6M indibidwal apektado ng M-7.8 na lindol sa Mindanao

Halos 1.6M indibidwal apektado ng M-7.8 na lindol sa Mindanao

2
0

MANILA, Philippines – Nasa 1.59 milyong indibidwal ang apektado ng magnitude 7.8 na lindol sa Maasim, Sarangani, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Batay sa Situational Report No. 13 ng NDRRMC na inilabas nitong Linggo, Hunyo 21, nasa 1,599,350 indibidwal o 375,664 pamilya ang apektado ng lindol sa 580 barangay sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Sa nasabing bilang, 22,109 katao ang nasa evacuation centers habang 63,351 naman ang nasa labas ng mga ito.

May kabuuang 77 naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa lindol.

“One person in Glan, Sarangani, previously reported as both dead and missing, has been verified as dead and has consequently been removed from the list of missing persons,” ayon sa NDRRMC.

Mayroon namang 1,339 ang nasaktan dahil sa pagyanig at 31 ang nawawala.

Samantala, mayroong 130 road sections at 47 na tulay ang apektado ng lindol sa Davao Region at SOCCSKSARGEN.

Tinatayang aabot sa P1.356 bilyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura sa mga kaparehong rehiyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here