Home METRO 2 huli sa P4.5M expired frozen meat sa Pampanga

2 huli sa P4.5M expired frozen meat sa Pampanga

3
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ang dalawang indbidwal at masabat ng mga awtoridad ang nasa P4.5 Milyon halaga ng umano’y mga mapanganib at iligal na frozen meat products matapos salakayin ng mga awtoridad ang isang processing facility sa Barangay Calibutbut, Bacolor.

Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.

Sinalakay ng magkasanib na puwersa ng Regional Special Operations Group Regional Intelligence Division 3 (RSOG-RID3) Food and Drugs Administration Region 3 (FDA),   National Meat Inspection Commission (NMIC), LGU at Local Police ang umano’y planta na iligal na nag-ooperate para sa food processing ng mga Frozen meat products.

Sa raid, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga assorted na frozen beef, pork at chicken na nagkakahalaga ng P4.5 Milyon kung saan base umano sa pagsusuri ang mga frozen meat products ay pawang mga expired at ni-repacked (recycled) sa sinalakay na pasilidad at nakatakdang ipakalat ito sa merkado.

Napag-alaman din na walang permiso o license to operate ang mula sa Food and Drugs Admintration (FDA) ang nasabing establimiyento.

Arestado ang may-ari ng establisimiyento at production manager ng pasilidad na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa Food Safety Act of.2013 at Republic Act 9296 o Meat Inspection Code of the Philippines. (ROEL TARAYAO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here