Home NATIONWIDE Tangkang pagpatay sa broadcaster na si Jay Lavapiez kinondena ng PTFoMS

Tangkang pagpatay sa broadcaster na si Jay Lavapiez kinondena ng PTFoMS

3
0

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pananambang sa radio broadcaster na si Jay Lavapiez sa Barangay Cagay, Roxas City, Capiz, Lunes ng umaga, Hunyo 22.

“We condemn all acts of violence and intimidation against journalists and assert that such actions have no place in a democratic society,” ayon sa kalatas ng PTFOMS.

“This incident highlights the urgent need to protect journalists, who play an important role in informing the public and upholding democracy,” anito pa rin.

Kaya nga, sinabi ng PTFoMS na agad na iniimbestigahan ng kanilang hanay, katuwang ang Philippine National Police Media Vanguards, ang insidente upang matukoy ang mga salarin at mabigyan ng hustisya ang kaso.

“We stand in solidarity with Mr. Lavapiez and all media professionals, reaffirming our commitment to safeguarding their rights and security. The freedom of the press is essential to our democracy, and we will continue to advocate for measures that protect those who strive to uphold this freedom every day,” ang sinabi pa rin ng PTFOMS.

Sa kabilang dako, inatasan na rin ni Regional Police Office 6 Director PBGen. Randulf Tuano, ang mga yunit ng pulisya na tutukan ang imbestigasyon at agarang kumilos kaugnay sa kaso.

Mababatid na nakaligtas si Lavapiez matapos siyang tambangan habang binabagtas ang national highway sa Barangay Cagay patungo sa kanyang istasyon ng radyo.

Batay sa ulat, tinatayang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang humarang sa kanyang sasakyan at pinaputukan ito.

Sa pinangyarihan naman ng insidente, apat na basyo ng bala ang narekober ng otoridad.

Binigyang-diin ng PTFoMS na ang ganitong uri ng karahasan at pananakot laban sa mga mamamahayag ay walang puwang sa democratic society.

Dahil dito, nanawagan ang ahensya ng mas paigtingin pa ang proteksyon para sa media workers upang hindi na maulit ang naturang insidente.

“Together, we can foster an environment where media professionals can operate without fear, ensuring the critical flow of information that is vital to our society,” ang sinabi ng PTFOMS. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here