Home METRO PNP: Isa sa ginamit na baril sa Tacloban school shooting, galing sa...

PNP: Isa sa ginamit na baril sa Tacloban school shooting, galing sa Pulis

3
0

TACLOBAN, Philippines – Kinumpirma ng Philippine National Police na isa sa dalawang baril na ginamit sa pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, Leyte ay pag-aari ng isang pulis na babae na nakatalaga sa Eastern Visayas.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Allen Rae Co, ang 9mm Glock pistol ay issued sa naturang pulis na ngayon ay nasa kustodiya at iniimbestigahan na.

Ang isa pang ginamit na armas, isang .38 caliber pistol, ay rehistrado naman sa isang security agency sa Cebu City.

Sa insidente noong Lunes, tatlong teenager ang nasawi at pito ang nasugatan sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here