Home NATIONWIDE DOJ, e-wallet platform pumirma ng kasunduan para bigyan ng access sa digital...

DOJ, e-wallet platform pumirma ng kasunduan para bigyan ng access sa digital finance mga refugee sa bansa

3
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang Department of Justice o DOJ na gaganda pa ang kabuhayan ng mga refugee sa Pilipinas matapos pirmahan ang kasunduan para sa financial inclusion kasama ang isang e-wallet platform.

Pinangunahan ni Justice Acting Secretary Fredderick Vida, kasama ang mga kinatawan ng G-Xchange Incorporated, ang paglagda ng Memorandum of Understanding nitong June 20 bilang bahagi ng paggunita sa World Refugee Day.

Ayon kay Government State Counsel Atty. Dennis Chan, mahalaga ang financial inclusion para makapagsimula muli ang mga refugee ng kanilang buhay naapektuhan ng hindi inaasahang kaguluhan sa kanilang mga bansa.

Dinaluhan at sinaksihan ang aktibidad ng mga kinatawan mula sa tanggapan ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando, Anti-Money Laundering Council, at UN High Commissioner for Refugees.

Kumpiyansa naman si Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat na makatutulong ang kasunduan para maging produktibong bahagi ng lipunan ang mga refugee — sa pagtatrabaho, pagnenegosyo, pag-aaral, at iba pang aspeto.

Batay sa datos ng DOJ, nasa tinatayang 1,000 ang kinikilalang refugee sa bansa na pumasa sa pamantayan ng UN at ng gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here