MANILA, Philippines – Magpapatupad ng mas maikling operating hours ang Light Rail Transit Line 2 sa Hulyo 25, 2026 upang bigyang-daan ang agarang pagkukumpuni at pagpapalit ng rigid frognose sa mainline track sa pagitan ng V. Mapa at J. Ruiz Stations.
Ayon sa abiso, magsisimula ang unang biyahe mula Antipolo at Recto stations sa alas-5 ng umaga. Ang huling biyahe naman mula Antipolo ay hanggang 7:30 ng gabi, habang mula Recto ay hanggang 8:00 ng gabi lamang.
Maglalagay ang LRTA ng shuttle van services bilang alternatibong transportasyon para sa mga apektadong pasahero. Makikipagtulungan din ito sa MMDA, PPA, PCG, at PNR upang matiyak ang karagdagang transport options.
Ang rigid frognose ay mahalagang bahagi ng riles na tumutulong sa maayos na paglipat ng tren sa mga switch ng linya. RNT/MND