Home TOP STORIES Sen. Villar kinondena Tacloban school shooting incident; kaligtasan ng mga estudyante, guro...

Sen. Villar kinondena Tacloban school shooting incident; kaligtasan ng mga estudyante, guro siguruhin agad

2
0
Inihain ni Senador Mark Villar ang "Boosted Technology Subsidy (BTS) for Students and Learners Act" upang bigyam ang mga kwalipikadong mag-aaral ng hanggang ₱30,000 na subsidy sa gadget, internet allowance, at access sa AI tools. Layunin ng panukalang ito na punan ang kakulangan sa teknolohiya at matiyak na ang bawat kabataang Pilipino ay handa para sa kinabukasan.

Mariing kinondena ni Senator Mark A. Villar ang malagim na insidente ng pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng lima pa, na aniya’y isang walang saysay na karahasan na walang puwang sa anumang institusyong pang-edukasyon.

“Mariin kong kinokondena ang karumal-dumal at walang saysay na pamamaril na naganap sa loob ng San Jose National High School. Ang pagkawala ng mga buhay sa isang lugar na dapat ay ligtas na kanlungan ng pag-aaral at paghubog ng kinabukasan ay isang trahedyang hindi dapat mangyari. Lubos akong nakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawi at taimtim na ipinagdarasal ang agarang paggaling ng mga nasugatan,” ani Senator Villar.

Binigyang-diin din ni Senator Villar ang pangangailangang magbigay ng agarang tulong, psychosocial support, at iba pang kinakailangang serbisyo para sa mga biktima, kanilang mga pamilya, at sa buong komunidad ng paaralan na naapektuhan ng insidente.

“Walang magulang ang dapat mangamba sa kaligtasan ng kanilang anak habang ito ay nasa paaralan. Wala ring estudyanteng dapat matakot na baka hindi siya makauwi nang ligtas matapos ang isang araw ng pag-aaral. Ang ating paaralan ay dapat manatiling ligtas na lugar kung saan malayang makapag-aaral, makapangangarap, at makapaghahanda para sa kinabukasan ang ating mga kabataan. Ang trahedyang ito ay isang masakit na paalala na kailangan pa nating paigtingin ang ating mga hakbang upang maprotektahan ang ating mga komunidad laban sa karahasan,” dagdag niya.

Ipinahayag din ni Senator Villar ang kanyang suporta sa agarang pagbibigay ng tulong, counseling, at iba pang kinakailangang serbisyo para sa mga biktima, kanilang mga pamilya, at sa buong komunidad ng paaralan na naapektuhan ng insidente.

“Sa gitna ng pagdadalamhati, kailangan nating magkaisa sa pagsuporta sa mga biktima at muling pagtibayin ang ating sama-samang responsibilidad na tiyaking ang bawat paaralan ay mananatiling ligtas na lugar ng pagkatuto, pag-asa, at oportunidad” pagtatapos ni Senator Villar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here