Home METRO 75 tulak, P2M droga laglag sa Bulacan buy-bust ops

75 tulak, P2M droga laglag sa Bulacan buy-bust ops

3
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang 75 indibiduwal habang nakakumpiska ng P2,225,612.00 halaga ng ilgal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa ibat-ibang bayan ng lalawigang ito.

Sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office, ikinasa ng mga operatiba ang 44 operasyon kontra iligal na droga nitong Hunyo 14-20 taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat, nasamsam sa operasyon ang 325.09 gramo ng shabu at 30.00 gram ng marijuana na may kabuuang P2,225,612.00.

Samantala, 12 indibiduwal habang 20 firearms ang nakumpiska sa 12 operasyon kontra loose firearms ng pulisya sa kaparehong mga petsa.

Kaugnay nito, 7 most wanted person, 57 other wanted person din ang nahuli sa ikinasang 62 operasyon ng mga pulis sa nasabing lalawigan.

Sinasabing ang mga naarestong mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso ay nasa kustodiya ng mga yunit o istasyon na humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here