Home NATIONWIDE LGUs kinalampag ni Gatchalian vs stunting o pagkabansot ng mag-aaral

LGUs kinalampag ni Gatchalian vs stunting o pagkabansot ng mag-aaral

2
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng unang naitalang pagtaas ng kaso ng ‘stunting’ o pagkabansot sanhi ng malnutrisyon sa mga bata sa Pilipinas sa loob ng 10 taon, nanawagan si Senate President Win Gatchalian sa mga lokal na pamahalaan na kumilos upang mabawi ang pagbaba ng kaso nito.

Ang panawagan ni Gatchalian ay umaayon sa Early Childhood Care and Development (ECCD) System Act o Republic Act No. 12199, na nag-aatas sa mga local government unit (LGU) na ipatupad ang mga programa at serbisyong pang-ECCD, kabilang ang mga programang pangkalusugan at pang-nutrisyon para sa mga batang wala pang limang taong gulang.

Batay sa survey ng Department of Science and Technology–Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), umabot sa 25.3% ang kaso ng stunting sa mga Pilipinong batang wala pang limang taong gulang noong 2025, mas mataas ng 1.7% kumpara sa 23.6% noong 2023. Mula sa 33.4% noong 2015, patuloy nang bumaba ang kaso ng stunting hanggang tumaas nga ito noong 2025.

“Hindi tayo maaaring mag-aksaya ng panahon sa pagsugpo sa stunting, lalo na’t kalusugan, kakayahan, at pagkatuto ng ating mga kabataan ang nakataya. Kailangang kumilos agad ang mga LGU para magpatupad ng mga programang pang-nutrisyon para sa mga bata,” ani Gatchalian.

Sa ilalim ng 2026 national budget, P9.26 bilyon ang inilaan para sa Supplementary Feeding Program ng Department of Social Welfare and Development para sa mga batang edad dalawa hanggang lima na naka-enroll sa mga child development center at supervised neighborhood play. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here