Home NATIONWIDE PNP makikipag-ugnayan sa DepEd sa sunud-sunod na karahasan sa mga paaaralan

PNP makikipag-ugnayan sa DepEd sa sunud-sunod na karahasan sa mga paaaralan

3
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police na makikipag-ugnayan ito sa Department of Education upang bumuo ng mga hakbang na magpoprotekta sa mga estudyante, guro, at iba pang personnel kasunod ng serye ng karahasan sa mga paaralan sa bansa.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng koordinasyon na palakasin ang seguridad sa mga eskwelahan matapos ang pamamaril sa Tacloban City noong Hunyo 22 at dalawang insidente ng pananaksak sa Cavite noong Hunyo 16 at 18.

Giit ng PNP, nananatiling ipinatutupad ang protocol na hindi maaaring pumasok ang mga pulis sa loob ng paaralan nang walang pahintulot ng school authorities.

Sa mga insidente sa Cavite, isang Grade 8 student ang umano’y nanaksak sa pitong Grade 5 students, habang sa isa pang insidente ay isang senior high school student ang umano’y paulit-ulit na nanaksak sa kapwa estudyante.

Samantala, sa Tacloban, dalawang Grade 9 students ang iniuugnay sa pamamaril na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng iba pa.

Ayon sa PNP, paiigtingin nila ang police visibility, preventive patrols, at security assessments sa paligid ng mga paaralan, kasama ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU, magulang, at komunidad upang maiwasan ang mga ganitong insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here