Home NATIONWIDE Tinio: Tacloban school shooting, sintomas ng mas malalang problema sa edukasyon

Tinio: Tacloban school shooting, sintomas ng mas malalang problema sa edukasyon

3
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na hindi maituturing na isolated criminal behavior” o simpleng krimen ang madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, kundi repleksiyon ng mas malalalim na problema sa sistema ng edukasyon sa bansa.

“The Tacloban tragedy exposes chronic underfunding, overcrowding, understaffing, and inadequate psychosocial support in Philippine schools. Public schools face shortages of 150,000 teachers and 160,000 classrooms nationwide, while thousands lack guidance counselors, nurses, and support personnel,” ani Tinio.

Binanggit ng mambabatas ang findings ng Second Congressional Commission on Education (Edcom II) na nagsasabing nakapag-aambag ang siksikang silid-aralan sa bullying, pananakot, at pagbaba ng kaligtasan ng mga estudyante.

Tatlong estudyante ang nasawi at lima naman ang nasugatan sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Lunes. Ayon sa mga awtoridad, ang mga suspek na edad 14 at 15 ay umano’y nakaranas ng bullying.

Nanawagan si Tinio ng komprehensibong suporta para sa mga biktima at pagsasagawa ng imbestigasyon sa Kamara hinggil sa tumitinding karahasan sa mga paaralan. Tutol din siya sa mga panukalang magpapataas ng police presence at surveillance sa mga eskuwelahan.

“Ang buhay ng mga bata ay hindi dapat ikompromiso dahil sa budget cuts. Ang bawat paaralan ay dapat may sapat na guidance counselors, nurses, at support personnel. Ang Tacloban tragedy ay nagpapakita ng resulta ng patuloy na kapabayaan sa sistema ng edukasyon,” aniya.

Hinimok din niya ang Kongreso na dagdagan ang pondo para sa edukasyon upang makapag-hire ng mas maraming guidance counselors at nurses, makapagpatayo ng karagdagang classrooms, at mapalakas ang mga mental health programs.

“Ang mga bata ay nangangailangan ng mga guro na may oras para sa kanila at mga counselors na nakikinig. Hindi sila nangangailangan ng mas maraming pulis,” diin ni Tinio. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here