Home METRO Nawawalang transwoman, natagpuang patay sa irigasyon sa Nueva Ecija

Nawawalang transwoman, natagpuang patay sa irigasyon sa Nueva Ecija

3
0

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija — Isang transwoman na ilang araw nang nawawala ang natagpuang patay sa isang irrigation canal sa Zaragoza, Nueva Ecija noong Biyernes ng hapon, Hunyo 19.

Ayon sa pulisya, nadiskubre ng isang magsasaka ang biktima na nakalutang at nakadapa sa gitna ng irigasyon. Agad niya itong iniulat sa mga awtoridad.

Sa follow-up investigation, lumabas na ilang araw nang nawawala ang biktima bago matagpuan ang kanyang bangkay.

Nakakuha na rin ang mga imbestigador ng mga closed-circuit television (CCTV) footage at iba pang ebidensya upang matunton ang mga huling galaw ng biktima bago siya mawala.

May tinutukoy nang person of interest ang pulisya sa pagpatay habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Samantala, nananawagan ng hustisya ang mga netizen para sa biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here