Home METRO Bebot pinagtataga, pinukpok ng martilyo ng ka-live-in sa Batangas

Bebot pinagtataga, pinukpok ng martilyo ng ka-live-in sa Batangas

4
0

TANAUAN CITY, Batangas – Kritikal ang kondisyon ng isang 37-anyos na babae matapos siyang paulit-ulit na pagtatagain at pukpukin ng martilyo ng kanyang live-in partner sa Barangay Santor, Tanauan City.

Batay sa CCTV footage, naghihintay na umano ang suspek sa labas ng bahay ng biktima bandang alas-3 ng madaling araw noong Biyernes. Kagagaling lamang ng biktima sa isang birthday party kasama ang dalawa niyang kaibigan nang mangyari ang insidente.

Ayon sa pulisya, armado ng itak at martilyo ang suspek at agad nitong inatake ang biktima pagkababa mula sa motorsiklo. Makikita sa video na hinabol at paulit-ulit na sinaktan ng suspek ang babae habang nagtatangkang tumakas.

Nagtamo ang biktima ng maraming sugat sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Halos maputol din ang isa niyang kamay. Kasalukuyan siyang naka-confine sa intensive care unit ng C.P. Reyes Hospital.

“Hindi masimulan ang gamutan kasi pinaghahanda ng ospital ng 500 hanggang 1 milyon kasi critical talaga ang kondisyon niya,” ayon kay Joy Padillo, pinsan ng biktima.

Sinabi ni Tanauan City Police chief PLTCol. Ian Binucal na nagpapakita ang CCTV footage na pinagplanuhan ang pag-atake.

“Noong makita niya na bumaba na ng motor talagang inatake na niya itong victim, kitang-kita naman sa footage na talagang pinaghandaan niya ito talagang abuse of superior strength, treachery, taking advantage of the night time,” ani Binucal.

Lumabas sa imbestigasyon na isang linggo nang hiwalay ang magkapareha bago ang insidente at selos ang isa sa mga tinitingnang motibo.

“Ang pangyayaring ito ay is a crime of passion. Base sa amin imbestigasyon, misunderstanding ito, nagseselos itong si lalaki kasi napapansin itong victim natin sa restaurant kasi siyempre kasi ini-entertain ang mga customer,” dagdag niya.

Patuloy ang manhunt operation laban sa suspek. Inaasahang haharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, bukod pa sa iba pang posibleng kasong kriminal. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here