Home METRO Development agenda, magpapatuloy sa bayan ng Real, Quezon

Development agenda, magpapatuloy sa bayan ng Real, Quezon

3
0

QUEZON, Philippines – Tiwala si Vice Mayor Diana Abigale Diestro-Aquino ng Real, Quezon na magpapatuloy nang walang pagkaantala ang development agenda ng bayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. 

Sa panayam ng Manila City Hall Press Club (MCHPC), sinabi niya na kakaunti lang ang binago sa Comprehensive Development Plan at nanatili ang kabuuang direksyon na itinakda noong siya ang mayor mula 2016-2022. 

Ayon kay Aquino, magpapatuloy ang mga proyekto sa imprastraktura, social services, environmental programs, at community development dahil nakabatay pa rin ito sa dating plano.

Binigyang-diin niya na ang sustainable development ay dapat tuloy-tuloy kahit magpalit ng liderato, dahil ang development framework ang gabay sa mga susunod na proyekto, hindi personal na alyansa.

Optimistiko ang vice mayor na paiigtingin pa ng Real ang economic growth, tourism, environmental sustainability, at public services para sa mga residente.

Ang  miyembro ng MCHPC ay nasa Real ,Quezon noong weekend para sa kanilang team building at nagkaroon ng pagkakataon na makapanayam  si Aquino at talakayin ang kasalukuyang development initiatives at mga plano ng munisipalidad para sa hinaharap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here