Home HOME BANNER STORY Pamilya ng nasawi sa Tacloban school shooting, may tig-P150K sa Malakanyang

Pamilya ng nasawi sa Tacloban school shooting, may tig-P150K sa Malakanyang

4
0

MANIA, Philippines – Makakatanggap ng tig-P150,000 na financial assistance ang pamilya ng bawat estudyanteng nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, ayon sa Malacañang.

“Each family of those who died will be given financial assistance of PHP150,000,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Sinabi rin ni Castro na magbibigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) ng psychosocial services sa mga naapektuhan ng insidente.

Tatlong estudyante ang nasawi habang 20 katao ang nasugatan nang magpaputok ng baril ang dalawang menor de edad na suspek, edad 14 at 15, sa loob ng paaralan.

Samantala, sinabi ni Police Brig. Gen. Jason Capoy, director ng Police Regional Office 8, na lumabas sa imbestigasyon na pinlano umano ng mga suspek ang pag-atake mahigit isang buwan bago magsimula ang klase.

Ayon kay Capoy, nagsimula umano ang pagpaplano noong Mayo 1 at tinalakay pa ng mga suspek sa kanilang mga mensahe ang mga probisyon ng Juvenile Justice and Welfare Act of 2006. Batay sa imbestigasyon, tila naniwala ang mga ito na hindi sila makukulong dahil menor de edad sila.

Sinabi rin ng pulisya na isang umano’y bully ang target ng pangunahing suspek, ngunit nang hindi ito matagpuan ay nagpaputok ang mga suspek sa kahabaan ng corridor ng paaralan.

Narekober sa lugar ang 40 basyo ng bala mula sa isang 9mm pistol na pag-aari umano ng isang babaeng pulis na tiyahin ng isa sa mga suspek. Ang isa pang armas na .38 caliber revolver ay nakarehistro sa isang security agency sa Cebu ngunit nasa pag-iingat umano ng lolo ng isa pang suspek na dating security guard.

Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong motibo ng pag-atake at kung may discernment ang mga suspek sa ginawa nilang krimen. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here