MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot prizes sa mga lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Hunyo 23.
Ayon sa PCSO, walang naitalang nanalo sa Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49, Lotto 6/42, at 6D Lotto draws.
Umabot na sa humigit-kumulang ₱128 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa winning combination na 04-21-41-40-39-52.
Nanatili ring walang nanalo sa jackpot na nasa ₱39.68 milyon ng Super Lotto 6/49. Ang mga numerong nabunot ay 44-08-32-42-12-27.
Samantala, hindi rin nakuha ang jackpot na nasa ₱41.52 milyon sa Lotto 6/42 matapos walang makatama sa kombinasyong 30-20-11-07-36-01.
Iniulat din ng PCSO na walang nanalo sa 6D Lotto draw, kung saan ang winning combination ay 9-9-8-1-8-6 para sa premyong nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱4.38 milyon.
Ginaganap ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo; ang Super Lotto 6/49 tuwing Martes, Huwebes at Linggo; at ang Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado. RNT