Home NATIONWIDE Bagyong Francisco patuloy na humihina

Bagyong Francisco patuloy na humihina

73
0

MANILA, Philippines – Patuloy na humihina ang Bagyong Francisco (international name: Mekkhala) habang kumikilos pahilaga sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules.

Sa tala ng PAGASA alas-4 ng madaling araw, namataan ang sentro ng bagyo 275 kilometro silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 190 kph.

Kumikilos ito pahilaga sa bilis na 10 kph at inaasahang mananatiling isang bagyo habang nasa loob ng PAR.

Nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa buong Batanes at hilagang-silangang bahagi ng Cagayan kabilang ang mga bayan ng Gonzaga at Santa Ana, gayundin sa Babuyan Islands.

Ayon sa PAGASA, magdudulot ang sirkulasyon ng bagyo at pinalakas na habagat ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas, pati na sa Misamis Occidental, Lanao del Norte, Camiguin, Dinagat Islands, Davao Occidental at Davao Oriental.

Nananatili ring umiiral ang gale warning sa hilaga at silangang baybayin ng Hilagang Luzon dahil sa masungit na kondisyon ng dagat.

Samantala, inaasahang patuloy na hihina ang Bagyong Francisco habang nananatiling malayo sa kalupaan.

Makakaranas pa rin ng malalakas na pag-ulan ang Batanes at Cagayan dulot ng bagyo, ayon sa PAGASA. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here