Home METRO 500 baboy pinatay sa bayan ng San Enrique vs ASF

500 baboy pinatay sa bayan ng San Enrique vs ASF

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 500 baboy ang kinailangang patayin sa San Enrique, Negros Occidental matapos makumpirmang may kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lahat ng 10 barangay ng bayan.

Ayon kay Mayor Jilson Tubillara, kinumpirma ng laboratory results na inilabas noong Hunyo 22 ang pagkalat ng ASF sa buong munisipalidad kaya agad na ipinatupad ang mas mahigpit na biosecurity measures.

Sinabi ni Tubillara na pinaigting ang border control inspections at iba pang containment protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Aniya, mayroon pa ring mga baboy na hindi apektado ng ASF.

Ayon naman kay Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson, karamihan sa mga kaso ng ASF sa lalawigan ay naitala sa katimugang bahagi nito at mahigit isang porsiyento pa lamang ng populasyon ng baboy ang naapektuhan.

“It’s a little over one percent population were affected. What’s important is we follow the protocols in addressing this,” ani Lacson.

Binigyang-diin din niya ang agarang paglilibing sa mga namatay na baboy at pagdi-disinfect sa mga apektadong babuyan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

“We will follow the protocols we did. We were successful before because they were re-populating. But unfortunately, it will take a while before it can be totally eradicated,” dagdag niya.

Patuloy ring ipinagbabawal ng pamahalaang panlalawigan ang pagpasok ng mga produktong baboy mula sa mga lugar na may ASF upang maprotektahan ang P6-bilyong industriya ng baboy sa Negros Occidental. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here