Manila, Philippines – Piercing through the bones as in lagus-lagusan hanggang buto ang resbak ni Dennis Trillo sa naging pasabog ni Patrick Garcia.
Hahayaan ba naman ng Kapuso Drama King na hindi ipagtanggol ang asawang si Jennylyn Mercado?
Hindi nga pinalampas ni Dennis ang mga sinabi ni Patrick laban sa aktres at anak nilang si Alex Jazz.
Depensa kasi ni Patrick, hindi daw niya inabandona si Jen.
Hindi din daw siya pabayang ama.
Napilitan lang daw magsalita si Patrick dahil sa inaabot na pamba-bash sa kanya, damay pati ang kanyang pamilya.
Kasabay nito, Dennis took to Facebook his retaliation.
Bagama’t hindi tinukoy, obyus namang para kay Patrick ang post niyang ‘yon.
Ani Dennis: “Hindi ako pabor sa bashing, pero salamat at naalala mo si Jazz dahil sa pag-bash sa anak mo.
“Spread love not hate.”
Samantala, naglabas ng statement ang talent management office nina Jen at Dennis–ang Aguila Entertainment.
Ayon dito: “Our artist Jennylyn Mercado will not comment or grant any interviews regarding Patrick Garcia’s statements on Ogie Diaz’s
YouTube channel.
“Everyone is entitled to share their story on whatever platform they choose.”
Ayon pa sa pahayag, minabuting huwag nang magsalita ang aktres bilang respeto sa privacy at peace of mind ng kanyang pamilya at ni
Patrick.
Hinihiling ni Jen na itigil ang pamba-bash sa pamilya ni Patrick lalo na sa anak na si Michelle.
Makakaasa daw ang publiko na maganda’t masaya ang buhay ng mag-ina sa piling ni Dennis, anak nilang si Dylan at stepson na si Calix. Ronnie Carrasco IIi