Home ENTERTAINMENT Bianca, game sa kissing scene kay Joshua!

Bianca, game sa kissing scene kay Joshua!

1
0

Manila, Philippines – Happy si Bianca Umali dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makatrabaho ang JoshLia sa kauna-unahang pagkakataon.

Aniya, nagpapasalamat daw siya na open na ang networks sa collaboration ngayon kumpara noon na malabong mangyari ito dahil sa network wars.

Sa panayam ni Boy Abunda, naurot naman si Bianca hinggil sa rumored bathtub at kissing scenes nila ni Joshua Garcia sa upcoming movie ng Star Cinema.

Wala mang inamin, wala ring idinenay ang aktres.

Sey pa niya, pinaghirapan daw nila ang mga eksena nila ni Joshua at pati na ang confrontation sequences nila ni Julia Barretto.

Sa naturang panayam ni Boy, inamin din niyang selosa siya pagdating sa pakikipagrelasyon.

Para sa kanya, normal lang ang pagseselos sa sinumang couple.

Napatawad na rin daw niya ang dyowang si Ruru Madrid sa pagiging cheater nito noon.

Nang naurot naman ng King Of Talk kung willing siyang bigyan ng second chance ang nobyo kung sakaling magloko uli ito, aniya, mahihirapan daw siyang magsalita nang patapos ukol dito.

Hindi rin daw kasi siya nag-e-expect na patawarin siya ni Ruru kung siya naman ang magloko.

Hindi rin niya ikinaila na pa minsan-minsan ay kinukulit na siya ng kanyang lola na 90 years old na bigyan na ito ng apo.

Ito naman ang ilang reaksyon ng kibitzers.

“Bianca, may pa-bathtub scenes. It’s Bianca in her wild era.”

“Di kaya magselos si Ruru kay Joshua?”

“A new and daring Bianca. Why not?”

“Excited ako sa confrontation scenes nila ni Julia. Sino kayang lalamunin.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here