Home HOME BANNER STORY Taas-babang presyo sa produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

Taas-babang presyo sa produktong petrolyo, posible sa susunod na linggo

2
0

MANILA, Philippines – Posibleng magkaiba ang galaw ng presyo ng petrolyo sa susunod na linggo, kung saan inaasahang bababa ang diesel habang maaaring tumaas ng hanggang P2 kada litro ang gasolina.

Batay sa pagtataya gamit ang full-week Mean of Platts Singapore (MOPS) trading at foreign exchange averages, inaasahan ang sumusunod:

–Diesel: P1.00 hanggang P1.20 kada litro na rollback

–Gasolina: P1.80 hanggang P2.00 kada litro na taas

Ayon sa source mula sa oil industry, humina ang presyo ng diesel noong Biyernes matapos magkasundo ang G7 nations at kanilang mga partner na maglabas ng emergency oil at diesel stocks sa susunod na apat na buwan. Dahil dito, nabawasan ang posibilidad na ipatupad ng US ang restriction sa diesel exports.

Samantala, patuloy namang sinusuportahan ng mahigpit na global gasoline market ang presyo ng gasolina.

Karaniwang inanunsyo ng mga oil company ang opisyal na pagbabago ng presyo tuwing Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan, Martes.

Ngayong linggo, nagpatupad ang mga kumpanya ng rollback na P0.24 hanggang P0.30 kada litro sa gasolina, P7.57 hanggang P7.60 sa diesel, at P5.85 hanggang P5.90 sa kerosene. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here