Home METRO Menor na suspek sa pagpatay, paghalay sa 6-anyos sa Tarlac, nasakote

Menor na suspek sa pagpatay, paghalay sa 6-anyos sa Tarlac, nasakote

3
0

MANILA, Philippines – Kinasuhan na ng rape with homicide ang 15-anyos na menor de edad na suspek sa pagpatay sa anim na taong gulang na batang babae sa Victoria, Tarlac.

Kinumpirma ng Victoria Municipal Police Station na naisampa na ang kaso matapos makumpleto ang paunang imbestigasyon sa insidente.

Ayon sa pulisya, sinundo umano ng suspek ang biktima sa paaralan upang ihatid sa pampublikong pamilihan sa Victoria kung saan nagtatrabaho ang mga magulang nito. Gayunman, sa halip na ihatid ang bata, dinala umano niya ito sa isang sakahan sa Barangay San Nicolas kung saan naganap ang umano’y panggagahasa at pagpatay.

Nauna nang sinabi ng pulisya na inamin umano ng suspek ang krimen.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang menor de edad na suspek alinsunod sa umiiral na batas para sa mga batang may salungatan sa batas.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Victoria Municipal Police Station kaugnay ng insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here