Home NATIONWIDE Bantay Senado bukas sa lahat ng kulay ng politika para bantayan VP...

Bantay Senado bukas sa lahat ng kulay ng politika para bantayan VP impeachment case

6
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Bantay Senado, isang non-partisan na grupo, ng public forum sa De La Salle-College of Saint Benilde sa Maynila upang ipaliwanag ang proseso ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Dr. Gary Ador Dionisio, Dean ng School of Diplomacy and Governance ng DLS-CSB at co-convenor ng Bantay Senado, ito ang una nilang forum kasama ang iba’t ibang lider sa Maynila.

Sa mga susunod na araw, nakatakda naman aniyang bumaba ang Bantay Senado sa mga komunidad upang ipagpatuloy ang pagpapaliwanag tungkol sa nalalapit na paglilitis sa Senate Impeachment Court.

Dinaos ang forum sa Sandejas Gym ng unibersidad at dinaluhan ng daan-daang barangay leaders mula sa Maynila kasama ang Center for Social Action at School of Diplomacy and Governance.

Sinabi ni Dr. Dionisio na layunin ng forum na ilahad ang proseso ng impeachment at ang mga susunod na hakbang. Diin niya, dapat tingnan ang kapakanan ng lahat, hindi lamang ng iilan.

“Importante na malaman ng bawat isa ang responsibilidad,” aniya.

Tiniyak din ng Bantay Senado na magbabantay sila sa buong proseso at bukas sila sa lahat ng kulay pulitika.

“Bantay Senado is open to all political colors, political affiliation dahil natuklasan namin na ang desisyon ay para sa kapakanan ng bawat isa,” dagdag ni Dionisio.

Nanawagan din ang grupo na gawing publiko ang pre-trial na nagsimula noong nakaraang linggo. Inaasahan nilang makakatulong ito upang malinawan ang mga nalilito sa social media at sa mga balita tungkol sa impeachment ni VP Duterte.

Sa huli, sinabi ni Atty. Dino de Leon na hindi dapat iwasan ang usapin ng impeachment. Plano rin nilang umikot sa iba’t ibang barangay sa buong bansa dahil mahalaga ang diskurso upang makausap mismo ang taumbayan tungkol sa impeachment process.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here