Home NATIONWIDE DOH: ‘Wag manahimik sa bullying, humingi ng tulong

DOH: ‘Wag manahimik sa bullying, humingi ng tulong

4
0

MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na maaaring humingi ng tulong sa mga insidente ng bullying.

Ayon sa DOH, walang puwang ang karahasan sa paaralan at binigyang-diin na walang bata ang dapat makaranas ng pambu-bully, pananakit, o anumang uri ng karahasan.

Sakali namang may nararanasan o nasasaksihang bullying, pang-aabuso, o karahasan, dapat ay huwag manahimik.

Payo ng DOH, magsabi at humingi ng tulong sa magulang, guro, guidance counselor, o ibang pinagkakatiwalaang nakatatanda.

Ayon pa sa kagawaran, maaari ring tumawag sa 24/7 National Emergency Hotline 911, Emergency Hotline ng Philippine National Police (PNP) sa numerong 117, PNP Women and Children Protection Center sa telepono na (02) 8532-6690, at sa MAKABATA Helpline 1383.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here