Home LIFESTYLE HEALTH DOH: Kaso ng leptospirosis sa unang kwarter ng 2026, tumaas

DOH: Kaso ng leptospirosis sa unang kwarter ng 2026, tumaas

3
0

MANILA, Philippines – Tumaas ang kaso ng leptospirosis sa bansa sa unang kwarter ng taong 2026, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos, lumalabas na mula Enero 4 hanggang Hunyo 6, 2026 ay nakapagtala ng 2,177 kaso ng leptospirosis o tumaas ng 6% kumpara sa nakaraang taon na may 2,046 na kaso lamang sa parehong panahon.

Ayon pa sa datos, karamihan sa mga nagkakasakit ay mga magsasaka at mga madalas lumusong sa putik o baha.

Kung hindi maiiwasang lumusong sa baha, sinabi ng DOH na sundin ang mga paalala upang maiwasang magkaroon ng leptospirosis.

Dapat magsuot ng bota, lalo na kung may sugat sa paa. Hugasan agad ng malinis na tubig at sabon ang bahagi ng katawan na nalubog sa tubig-baha.

Payo rin ng DOH na kung maaari ay huwag nang lumusong sa tubig-baha kung may bukas na sugat o open wound.

Huwag ding mag-atubiling magpakonsulta sa doktor kung makararanas ng mga sintomas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here