Home NATIONWIDE 10 arestado sa P12M paihi scheme sa Navotas

10 arestado sa P12M paihi scheme sa Navotas

7
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang 10 kalalakihan at nakumpiska ang nasa P12 milyong halaga ng petroleum products, mga kagamitan, at transport assets sa illegal fuel trading activity sa Navotas City, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pahayag, sinabi ng PNP na ang operasyon ay inilunsad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region Field Unit noong Lunes ng gabi, Hunyo 22.

Naharang ng puliya ang oil tanker at kagamitan na ginagamit umano sa isang hindi awtorisadong paglilipat ng langis na kilala sa tawag na “paihi.”

Nakuha ang malalaking volume ng hinihinalang diesel fuel, transport vehicles, motorized boats, siphoning equipment, at operational buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek naman ay mula edad 20 hanggang 58 na nahaharap sa kaukulang reklamo.

“Hindi lamang ito usapin ng paglabag sa batas. Kapag may iligal na kalakalan ng produktong petrolyo, naaapektuhan ang kabuhayan, kaligtasan, at tiwala ng publiko. Kaya patuloy nating paiigtingin ang ating mga operasyon laban sa mga gawaing nagpapahina sa kaayusan at patas na kalakalan sa ating bansa,” sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr.

“Patuloy nating ipatutupad ang batas nang may integridad, malinaw na proseso, at paggalang sa karapatan ng bawat isa. Ang mahalaga ay napapanagot ang mga lumalabag habang nananatiling tapat tayo sa ating tungkulin bilang lingkod-bayan,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here