Home NATIONWIDE Suspek na nanakit sa mga pasahero ng dyip sa Muntinlupa, arestado na

Suspek na nanakit sa mga pasahero ng dyip sa Muntinlupa, arestado na

8
0
Screenshot

MANILA, Philippines – Arestado na ng mga awtoridad ang suspek sa viral video na nanakit ng mga pasahero ng isang jeepney sa South Station, Muntinlupa.

Ayon sa saksi, isang lalaking walang suot na pang-itaas ang bigla na lamang sumakay sa jeep.

Makalipas ang ilang sandali ay mayroon umnong tatlong lalaki ang sumunod dito at agad na pinagsusuntok ang naunang lalaki sa loob ng jeepney.

Sa takot ng mga pasahero na baka lumala pa ang sitwasyon ay pinaandar na ang jeep.

Inambahan naman ng suntok ng suspek ang iba pang mga pasahero ng jeep kabilang ang dalawang senior citizen na nagtangkang protektahan ang mga pasahero.

Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang isa sa kanila at isinugod sa Asian Hospital para sa medical examination at agarang gamutan.

Samantala, nilinaw naman ng saksi na walang pagkukulang ang matandang drayber ng jeep na edad 70-80 anyos dahil maging ito ay nalagay din sa panganib.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa suspek upang matukoy ang buong pangyayari kabilang ang iba pang sangkot sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here