MANILA, Philippines – Pinalaya ang 14-anyos na estudyante sa Tolosa, Leyte na nahuli matapos na magpost sa social media na maglulunsad ng pag-atake sa paaralan nito.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, ang estudyante ay itinurn-over sa DSWD.
Kalaunan ay pinakawalan din ang menor de edad dahil hindi ito maaaring sampahan ng reklamo sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act.
“Ito ang infirmity ng Juvenile Justice Act,” sinabi ni Remulla. RNT/JGC