Home NATIONWIDE Visayas grid isinailalim sa yellow alert

Visayas grid isinailalim sa yellow alert

2
0

MANILA, Philippines – Idineklara ang yellow alet status sa Visayas grid mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi ngayong Huwebes, Hunyo 25 dahil sa nananatiling forced outage ng generating units ng major coal-fired power plants.

Sa abiso ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP), sinabi na ang Units 1 at 2 ng Therma Visayas, Inc., at Unit 3 ng Panay Energy Development Corp. ay nananatiling unavailable, na nagresulta sa limitadong operating margin ng transmission grid kontra sa contingency requirement nito.

Sinabi ng NGCP na ang available capacity ng grid ay nasa 2,504 megawatts (MW), habang ang peak demand ay inaasahang aabot sa 2,358 MW. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here