Home NATIONWIDE 4 durugista, P402K ‘damo’ timbog sa magkahiwalay na buy-bust ops sa Bulacan

4 durugista, P402K ‘damo’ timbog sa magkahiwalay na buy-bust ops sa Bulacan

2
0

Bulacan – Arestado ang dalawang High Value Individuals (HVI) nang mahulihan umano ng P282,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso nitong gabi ng Hunyo 24.

Sa ulat ni PLTCOL Gilmore Wasin, hepe ng San Ildefonso police station, kinilala ang mga mga suspek na sina alyas “Kuys” at alyas “Bert”, kapwa 30 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Sta. Barbara, Baliwag City.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng istasyon at Bulacan Provincial Drug Enforcement Unit bandang 10:00 ng gabi sa Brgy. Poblacion, San Ildefonso.

Nabatid na naaresto ang mga suspek nang magbenta ng isang pakete ng hinihinalang marijuana fruiting tops sa operatibang nagpanggap na poseur.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa dalawang kilo ng marijuana fruting tops na may standard drug price na P240,000.00, 30 gramo ng hinihinalang marijuana kush na halagang P42,000.00, ilan pang pakete ng marijuana, ginamit na Mitsubishi Mirage at buy-bust money.

Samantala, huli rin ng mga operatiba ng Baliwag police station sina alyas Ace, 41, ng Brgy. San Jose at alyas “Doble”, 25, tattoo artist ng Brgy. Pinagbarilan, Baliwag City bandang 11:35 ng gabi sa Brgy. Poblacion, Baliwag sa kaparehong petsa at operasyon.

Nasamsam sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang marijuana na nasa 280 gramo, dalawang medium-sized sachet ng hinihinalang marijuana kush na may timbang na 58 gramo at may kabuuang halagang P120,600.00

Dinala ang mga suspek at mga ebidensiya sa istasyong humuli sa kanila para sa kaukulang dokumentasyon at paghahanda ng kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here