MANILA, Philippines – Nagsimula na ang bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Sandiganbayan Third Division para sa kanyang kasong plunder.
Ang akusado ay dumalo sa pamamagitan ng video conference mula sa detention facility ngayong Lunes, Oktubre 12.
Pumirma rin si Romualdez ng pretrial order remotely sa New Quezon City Jail ng Bureau of Jail Management and Penology sa Barangay Payatas.
Nakatakdang ipresenta ng prosekusyon ang 23 witness sa bail hearing na gagawin tuwing Lunes, Martes, at Huwebes.
Ang plunder ay non-bailable at provisional liberty na papayagan lamang kung ang ebidensya ng akusado ay hindi matibay na matutukoy naman sa bail hearing.
Noong Setyembre 7 ay nag-isyu ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban kay Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at dalawa iba pang indibidwal kaugnay sa umano’y P7.44-billion plunder scheme.
Naospital naman si Romualdez sa loob ng isang linggo bago nailipat sa New Quezon City Jail-Male Dormitory noong Setyembre 14.
Naghain naman ng not guilty plea si Romualdez. RNT/JGC