MANILA, Philippines – Hinamon ni Manila Rep. Joel Chua nitong Linggo, Oktubre 11 ang legal team ni Vice President Sara Duterte na maghain ng pormal na mosyon para ibasura ang impeachment case laban sa kanya kung ikinokonsidera nilang may butas ang kaso.
Sa pahayag, sinabi ni Chua na dapat hamunin ng counsel ni Duterte ang impeachment trial kung ang mga reklamo ay “if they truly believe our evidence is weak.”
“File a demurrer to evidence and let the court decide,” aniya.
Sa ilalim ng criminal procedure rules, ang demurrer to evidence ay nagbibigay-daan sa partido na humiling ng early dismissal kung mapatunayang ang ebidensya ng prosekusyon ay kulang, bago pa magsimula ang defense proceedings.
Ang tinutukoy ni Chua ay ang Rule 119, Sec. 23 ng Rules of Criminal Procedure.
Ang pahayag ni Chua ay kasabay ng nalalapit na pagtatapos ng prosecution team sa pagpresenta sa kaso ngayong linggo.
“The prosecution’s presentation of evidence for unexplained wealth will end with Atty. Alex Cabrera,” sinabi naman ni Batangas Rep. Gerville Luistro, chief impeachment prosecutor.
Orihinal na ipipresenta ng prosekusyon ang apat na reklamo sa kanilang impeachment case laban kay Duterte ngunit nagdesisyon na padaliin na lamang ang paglilitis sa paglaglag sa reklamong pag-aalok ng suhol ni Duterte sa mga opisyal ng Department of Education procurement officials sa pamamagitan ng mga tauhan nito.
“The evidence is already before the court. The defense now has every opportunity to challenge it,” ani Chua.
“We are ready to defend what we have presented.”
Sa ika-15 linggo ng mga pagdinig sa Senado, nagpasa ang prosekusyon ng mga testimonya at financial records para suportahan ang alegasyon na si Duterte ay gumamit ng secret funds, itinago ang kanyang tunay na yaman, at nagbanta pa sa kaligtasan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. First Lady at dating House speaker. RNT/JGC