Home NATIONWIDE MARINA nagdaos ng job fair sa pagdiriwang ng Araw ng mga Marino

MARINA nagdaos ng job fair sa pagdiriwang ng Araw ng mga Marino

1
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng job fair ang Maritime Industry Authority (MARINA) kasabay ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer.

Ayon sa MARINA nasa halos 3,000 Filipino seafarers ang inaasahan na lalahok sa job fair na isinagawa sa Rizal Park Hotel.

Kasabay ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer, nagsagawa ang Maritime Industry Authority (MARINA) ng job fair.

Iba’t-ibang bakanteng trabaho na may kaugnayan sa maritime industry ang maaaring aplayan ng mga marino.

Sa press conference, sinabi ni MARINA Administrator Sonia Malaluan na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang mga programa para palakasin pa at maraming pinoy seafarers ang mabigyan ng pagkakataon na makapag-trabaho sa maritime sector.

Anya, nasa 25 accredited manning agencies ang nakibahagi sa one-day job fair na nag-aalok ng 2,000 na bakanteng trabaho.

Dagdag pa ni Malaluan, bukod sa pagbibigay oportunidad sa mga pinoy seafarers, hangad nila na masiguro ang kaligtasan, seguridad at paglago ng kanilang kakayahan sa usapin ng maritime industry. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here