Home NATIONWIDE Tulong sa lahat ng biktima ng lindol sa Mindanao, pabibilisin – Kiko

Tulong sa lahat ng biktima ng lindol sa Mindanao, pabibilisin – Kiko

5
0

MANILA, Philippines – Nangako si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na pabibilisin ang tulong ng pamahalaan at paghahatid ng ayuda sa lahat ng komunidad na apektado ng nakaraang malakas na lindol sa Mindanao na tututok sa bawat pamilya na may kailangang agarang suporta.

Sa media interview sa Our Lady of Peace and Good Voyage Parish, General Santos City niotng Miyerkules, sinabi ng senador na personal nitong titiyakin ang mabilisang paghahatid ng kritikal na ayuda, rehabilitasyon at tulong sa pagbabangon sa apektadong komunidad.

“Andito tayo para marinig ang daing, makapaghatid ng assistance. Di kayo pinababayaan ng national government. At makakaasa kayo na kaya nating lampasan ang anumang pagsubok basta nagtutulong-tulong tayo,” abu Pangilinan habang namamahagi ng tulong.

“Direkta nating kakausapin ang mga Cabinet secretaries ng DSWD (Department of Social Welfare and Development), DOLE (Department of Labor and Employment), NHA (National Housing Authority), at DHSUD (Department of Human Settlements and Urban Development) para mapabilis pa ang suporta sa ating mga kababayan sa GenSan,” giit ng senador.

Pinangunahan ni Pangilinan ang paghahatid at distribusyon ng food packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Miyerkules.

Ipinanuikala ni Pangilinan ang karagdagang P15 bilyon pondo para sa relief, recovery at rehabilitasyon ng rehiyon na nakipagpulong sa ilang opisyal ng pamahalaang lokal upang matukoy ang higit na kailangan ng kani-kanilang nasasakupan.

Ibinalita din ng senador sa mga opisyal na naipasa ng Senado ang isang resolusyon para sa madaliang pagpapalabas ng tulong na kailangan ng General Santos City, Sarangani Province, Davao Oriental, at iba pang bahagi ng Mindanao na apektado ng lindol.

“Pagka hindi nila inaksyunan ang ating hiling ngayon, alam nilang sisingilin ko sila pagdating ng budget at baka pa sabihin ko, ‘Wala, hindi ako papayag na aprubahan ang budget ninyo dahil sa hindi kayo umaksyon nang mabilis’,” aniya sa kanyang speech sa Barangay Calumpang.

Lumindol sa Mindanao na umabot sa 7.8 miagnitude noong June 8 na umabot na sa 78 ang naiulat na nasawi habang 1.5 milyong katao ang apektado. Mahigit bilyong halaga ng imprastraktura ang nadasira na kailangan kumpunihin. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here