Home NATIONWIDE Firearms Law, pinaaamyendahan ni Remulla

Firearms Law, pinaaamyendahan ni Remulla

2
0
Kumpiyansa si DILG Secretary Jonvic Remulla sa kanyang pahayag na makukuha at maibabalik sa bansa ang wanted na si Rep. Zaldy Co, Umaasa na pagbibigyan ng Interpol ang hiling na Red Notice sa ginanap na pulong balitaan sa Rizal hotel Park sa Maynila. ERIC OCAPAN

MANILA, Philippines – Mariing nanawagan si Department of the Interior and Local Government ( DILG) Secretary Jonvic Remulla na amyendahan ang firearms law sa bansa.

Sinabi ni Remulla, ito ay upang mapatawan ng mas mabigat na parusa ang mga iresponsableng gun owners sa bansa.

Bunsod nito, ginawa ni Remulla ang pahayag matapos ang pamamaril ng dalawang batang estudyante sa San Jose National High School sa Tacloban City kung saan tatlo katao ang nasawi.

Nabatid na kinuha ng isa sa mga suspek ang baril ng kanyang tiyahing pulis.

Ayon kay Remulla, nakasaad sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na walang criminal liability ang may-ari ng baril na nagpapahintulot na mabagmit ng ibang indibidwal ang kanyang baril sa paggawa ng krimen.

Tanging kasong malversation lamang aniya ang maaaring ikaso ngayon sa may-ari ng baril.

Kaugnay nito, umapela si Remulla sa Kongreso na gumawa ng implementing rules and regulations ng batas to “put a criminal aspect in the illegal use or illegal transfer of their guns.”

Hirit pa ni remulla, dapat ring permanenting i-ban na ang online games na bayolente tulad ng open-world gaming platform na GoreBox.

Samantala, nauna nang sinabi ng Philippine National Police na makikipag-ugnayan ang kanilang hanay sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) para palakasin ang monitoring sa video games at online applications. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here