Manila, Philippines – Happy ang sexy actress na si Divine Villareal na kasali siya sa isang health advocacy show.
Ito ang “Itanong Natin Kay Dok Larry” at tampok dito si Doctor Larry Sembrano na siyang gumaganap bilang Dok Larry.
Ang sexy actress na si Divine ay gumaganap dito bilang isang nurse.
Ito ay isang informative series na tumatalakay sa usaping pangkalusugan. Ito’y nag-e-educate sa viewers at makikita rin dito ang mga misconception ukol sa health.
Si nurse Gracia ang papel niya rito, kuwento ni Divine, “Isa po akong nurse rito na laging kasama po ni Doc Larry. Ang show po ay parang isang short series po, na every episode po ay iba’t ibang kuwento ang mapapanood, pero same character po.
“Marami po tayong matututunan dito about sa mga health at sakit po. At the same time ay maaaliw at matatawa rin po kayo sa mga story.”
Thankful ang aktres na mabigyan ng ganitong klase ng show.
“Sobrang sarap po sa pakiramdam at sobrang nagpapasalamat po ako kay Dok Larry, pati po kay Direk Roman at sa lahat po ng nasa likod ng project na to dahil sa tiwala na ibinigay nila sa akin,” masayang wika ni Divine.
Saludo rin ang magandang aktres kay Dok Larry sa adbokasiya nito hinggil sa health. “Napakabuti pong doctor ni doc Larry, kasi ginawa niya po talaga itong show na ito para marami po tayong matutunan about sa ating health,” pakli pa ng dalaga.
Kung may magsabi na siya ay astig at napakaseksing nurse, ano ang magiging reaction niya?
Aniya, “Matutuwa po, pero at the same time mahihiya… Alam ko naman po kasing madaming mas magaganda pa at sexy po. Pero, sobra po akong kikiligin, kasi sa dami po ng nurse sa mundo ay ako po ang naisip niya, na napaka-sexy kong nurse.”
Bukod kina Dok Larry at Divine, kasama sa cast ng Itanong Natin Kay Dok Larry sina Tabs Sumulong sa papel na Kapitana Lourdes, Jalyn Taboneknek bilang si Aling Tere, Bonn Lentejas as Emman, Anki Gray as Mang Domeng, at ba pa.
Mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez Jr., napapanood ito sa Facebook, YouTube, at TikTok tuwing Sunday, 9 am. Nonie Nicasio