Home HOME BANNER STORY Panibagong oil price rollback namumuro sa susunod na linggo

Panibagong oil price rollback namumuro sa susunod na linggo

6
0

MANILA, Philippines — Posibleng muling bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos ang ikatlong sunod na araw ng pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Batay sa pinakahuling trading, bumaba ng P0.70 kada litro ang diesel, P0.30 kada litro ang gasolina, at P0.60 kada litro ang kerosene. Gayunman, may natitira pang dalawang trading days bago tuluyang matiyak ang price adjustment sa susunod na linggo.

Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, may posibilidad ng panibagong rollback ngunit hindi ito inaasahang kasing laki ng ipinatupad noong nakaraang Martes. Posible rin aniyang manatiling walang pagbabago ang presyo depende sa galaw ng merkado.

Samantala, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na hindi na kinakailangang magsagawa ng imbestigasyon sa mga lokal na kumpanya ng langis sa kabila ng utos ni US President Donald Trump na imbestigahan ang oil firms sa Estados Unidos kaugnay ng presyo ng gasolina.

“We have been imposing prescribed price adjustments for 2 months. The prices in our country [are] reflective of the international market prices. We have consistently monitored and probed our domestic oil prices. That’s the extent of our jurisdiction,” ani Garin.

Ipinaliwanag ni Garin na sa loob ng dalawang buwan ay ang Department of Energy na ang nagkokompyut ng lingguhang price adjustments batay sa galaw ng pandaigdigang presyo ng langis at iba pang gastusin ng mga oil company.

“Maybe the US market has [its] own set of problems and distortions. They address them with their own solutions, as we already do how we should in our country,” dagdag niya. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here