Home METRO 11-anyos patay, isa sugatan sa kuryente sa foam party sa Iloilo

11-anyos patay, isa sugatan sa kuryente sa foam party sa Iloilo

5
0

ILOILO — Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki habang sugatan ang isang 25-anyos na lalaki matapos silang makuryente sa isang foam party na bahagi ng pagdiriwang ng pista sa bayan ng Banate, Iloilo nitong madaling araw ng Huwebes.

Kinilala ng Banate Municipal Police Station ang nasawi na si Prince at ang sugatan na si Kent.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-1:30 ng madaling araw matapos pumasok ang dalawang biktima sa ipinagbabawal na bahagi malapit sa entablado kung saan naroon ang mga electrical connections para sa sound at lighting equipment.

Basa umano ang mga biktima nang mahawakan nila ang isang live wire.

Makikita sa mga video ng insidente na masaya pang nagpapatuloy ang foam party hanggang sa humingi ng tulong ang disc jockey nang makita ang nangyari mula sa entablado.

Nagsimula ang foam party noong Miyerkules ng gabi bilang bahagi ng pagdiriwang ng pista para kay Saint John the Baptist.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Banate ang pagbibigay ng tulong sa pamilya ng nasawi at sa sugatang biktima. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here