MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang karagatang bahagi ng General Luna, Surigao del Norte nitong Biyernes ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng lindol na naitala alas-5:17 ng umaga sa hilagang-silangang bahagi ng General Luna at may lalim na 10 kilometro.
Sinabi ng ahensya na wala itong inaasahang pinsala, ngunit posibleng magkaroon ng mga aftershock. RNT