Home NATIONWIDE PHIVOLCS: Earthquake swarm di tiyak na sanhi ng malakas na lindol

PHIVOLCS: Earthquake swarm di tiyak na sanhi ng malakas na lindol

10
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang naitalang earthquake swarm sa Cotabato Trench bago ang magnitude 7.8 na lindol noong Hunyo 8 ay hindi sapat na ebidensya upang sabihing ito ang nagdulot ng malakas na pagyanig.

Ayon kay PHIVOLCS Director Teresito Bacolcol, ang earthquake swarm ay maaaring humantong o hindi humantong sa mas malakas na lindol.

“An earthquake swarm may or may not lead to stronger earthquakes. Many earthquake swarms gradually decrease and eventually stop without producing a large earthquake,” aniya.

Dagdag pa niya, maaari ring makatulong ang earthquake swarm sa unti-unting pagpapakawala ng naipong enerhiya sa ilalim ng lupa.

“Slowly releasing energy instead of ‘yung one big event na naipon lahat ‘yung energy. Ito, slowly releasing energy,” sabi ni Bacolcol.

Ipinaliwanag naman ni Jun Bonita na ang earthquake swarm ay sunod-sunod na katamtamang lindol na walang malinaw na pangunahing pagyanig at maaaring tumagal ng ilang araw, linggo, o kahit isang taon.

Samantala, nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng 287 lindol malapit sa Manila Trench sa bahagi ng Pangasinan mula Mayo 26 hanggang Hunyo 26.

Ayon kay Bonita, may posibilidad na makalikha ang Manila Trench ng lindol na lampas magnitude 8, ngunit hindi matitiyak kung mangyayari ito.

“Itong Manila Trench, may potential yan na above magnitude eight. Ang scenario diyan, pwedeng mawala lang ‘yan, walang mangyayari, [o] pwedeng may malaki. So hindi natin masasabi talaga,” aniya.

Dahil hindi mahuhulaan ang lindol, muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na laging maging handa sa anumang posibleng pagyanig. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here