Home HOME BANNER STORY 2 preso sa Cavite Provincial Jail nakatakas, manhunt ops, isinasagawa

2 preso sa Cavite Provincial Jail nakatakas, manhunt ops, isinasagawa

4
0

CAVITE, Philippines – Dalawang person deprived of liberty (PDL) ang tumakas mula sa Cavite Provincial Jail nitong sabado kung kaya patuloy ang malawakang manhunt operation ng pulisya rito.

Base sa nakalap ng impormasyon,Kinilala ang mga pumuga na sina alyas Darwin, residente ng Brgy. Toclong 2B, Kawit, Cavite, at alias Leo, residente ng Brgy. Sto. Niño, Pasay City.

Sa ulat, dakong 5:15 ng hapon nang ipagbigay-alam ng pamunuan ng Cavite Provincial Jail sa pulisya na naka base sa Brgy Lapidario, Trece Martires City ang pagtakas ng nasabing mga preso.

Dahil dito na  nagtungo sa naturang piitan ang mga imbestigador upang alamin ang natanggap na impormasyon.

Batay sa salaysay ni Provincial Warden Candelario Warllie R. Hermo, dakong 11:55 ng umaga nang tumakas ang dalawang PDL matapos akyatin ang konkretong perimeter wall sa likod ng E-Hearing Room.

Pinaniniwalaang sinira rin ng mga ito ang bahagi ng barbed wire na nakalagay sa ibabaw ng pader bago dumaan sa isang bakanteng lote.

Sa ginawang pagsisiyasat ng CCTV footage,  dakong 8:44 ng umaga ng nagtungo ang dalawang PDL sa kitchen sink area sa likod ng E-Hearing Room.

Nakunan din ng kamera ang isang butas sa barbed wire na hinihinalang naging daanan ng mga pumuga palabas ng pasilidad.

Kaagad namang inilunsad ng Cavite Provincial Jail Recovery Team ang malawakang manhunt operation at nakipag-ugnayan sa iba pang law enforcement units upang matunton ang posibleng pinuntahan o kinaroroonan ng mga tumakas na preso.

Nagsasagawa  pa rin ng backtracking at forward tracking sa mga available na CCTV footage ang mga awtoridad, habang walang tigil ang follow-up operations ng intelligence operatives para sa agarang ikadarakip ng mga ito.

Patuloy pa  rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente para sa agarang ikadarakip ng mga ito. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here