Home METRO 2 kulong sa sugal, boga sa Malabon

2 kulong sa sugal, boga sa Malabon

1
0

MANILA, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki nang maaktuhan naglalaro ng illegal na sugal at makuhanan pa ng baril ang isa sa kanila sa Malabon City.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Beliner Capili, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa Brgy., Tugatog.

Nang respondehan, naaktuhan ng mga pulis ang dalawang lalaki na edad 49, at 27, kapwa residente ng Caloocan City na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ na dahilan ng pagkakaaresto sa kanila.

Nasamsam ng mga pulis ang P450 bet money, pangara at isang hindi lisensyadong calibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala na nakuha umano sa 27-anyos na suspek.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling) at R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act) sa piskalya ng Malabon City.(Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here