Home METRO Lalaking ilegalista arestado sa nakuhang baril, bala

Lalaking ilegalista arestado sa nakuhang baril, bala

1
0

CAVITE, Philippines – Isang lalaki ang inaresto ng mga operatiba ng  Rosario Police matapos maaktuhang sangkot sa ilegal na sugal at mahulihan ng baril at bala sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation sa Barangay Poblacion, Rosario, Cavite.

Ayon sa nakalap na report mula kay PLTCOL ARDIE O BAGAMAN, hepe ng Rosario MPS, kinilala ang  suspek na si alyas “Gadan,” na residente ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-7:15 ng nitong Biyernes, ng gabi  Hunyo 26, 2026.

Base sa ulat, nagsagawa ng Anti-Illegal Gambling Operation ang mga tauhan ng Rosario Municipal Police Station na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek habang aktuwal na nagsosolicit ng mga pustahan para sa isang basketball ending game.

Sa isinagawang search and seizure, nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang isang ending card, isang ballpen, halagang Php110.00 na pinaniniwalaang bet money na may iba’t ibang denominasyon, isang asul na sling bag, isang kalibre .45 revolver na may markang “COLT .45 D A,” at isang live ammunition ng kalibre .45.

Ang nakumpiskang firearm ay dadalhin sa Cavite Provincial Forensic Unit para sa ballistic examination, habang inihahanda naman ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Office of the Provincial Prosecutor.

Sinabi ni PCOL ARIEL R RED, Provincial Director ng Cavite Police  “Patuloy nating pinaiigting ang kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad, kabilang ang ilegal na sugal at iligal na pag-iingat ng mga baril. Ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng ating dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating mga komunidad.” MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here