Home METRO Proteksyon sa mga guro, estudyante isinulong sa P’que

Proteksyon sa mga guro, estudyante isinulong sa P’que

5
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng naganap na pangyayari ng barilan sa Tacloban City, Leyte kung saan tatlong estudyante ang namatay at 13 pa ang sugatan ay isinulong ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang pagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga guro at estudyante sa lahat ng paaralan sa lungsod.

Sa isinagawang pagpupulong na pinangunahan ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez ay sinabi ng alkalde na bilang tugon sa pagbibigay ng karagdagang seguridad ay magkakaloob ang lokal na pamahalaan ng mga metal detectors sa bawat eskwelahan sa lungsod.

Sinabi ni Olivarez na ang pagbibigay ng metal detectors sa mga eskwelahan ay para mapigilan ang mga estudyante sa pagdadala ng sandata sa loob ng silid-aralan.

Ayon pa kay Olivarez, ang naturang inisyatibo ay ang pangunahing prayoridad na mabigyan ng proteksyon at seguridad ang bawat estudyante, guro gayundin ang mga non-teaching personnel sa mga eskwelahan.

Dagdag pa ni Olivarez na ang paglalagay ng metal detectors sa mga pasukan ng eskwelahan ay para paigtingin na rin ang security protocols sa lahat ng institusyon ng kaalaman. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here