Home NATIONWIDE LPA, Habagat magpapaulan sa bansa

LPA, Habagat magpapaulan sa bansa

5
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility at southwest monsoon o habagat ngayong Lunes, Hunyo 29.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang LPA ay namataan 495 kilometro silangan ng Surigao del Norte at may katamtamang tsansa na maging isang bagyo sa susunod na 24 na oras.

Mararanasan ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Visayas, Bicol Region, Caraga, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon dahil sa LPA.

Ang nalalabing bahagi ng MIMAROPA naman ay magkakaroon din ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Inaasahan naman ang malalakas na pag-ulan sa Sorsogon, Masbate, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here