Home METRO Lalaking nagtangkang tumalon sa footbridge sa Commonwealth, nasagip

Lalaking nagtangkang tumalon sa footbridge sa Commonwealth, nasagip

4
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang isang lalaking umakyat at nagtangkang tumalon sa footbridge sa Commonwealth Avenue sa bahagi ng North Fairview, Quezon City.

Agad na dumating at rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng QCPD PS 5-Fairview, BFP NCR Fairview Fire Sub-Station, QCDRRMO, BPSO, QC-TTMD at BFP Special Rescue Unit.

Nailigtas ang lalaki sa tangkang pagtalon sa tulay matapos siyang mahila ng mga rescuer.

Ayon sa mga dumadaan sa tulay na unang nakakita sa kaniya, mayroon umano itong kausap sa cellphone at umiiyak.

Hindi pa matukoy ang pangalan at address ng lalaki dahil hindi rin ito makausap nang maayos na agad dinala sa ospital. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here