PORMAL na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang mga bagong school building at bagong ayos na mga covered court na layong palakasin ang access sa de-kalidad na edukasyon at magbigay ng mas ligtas at mas functional na mga lugar para sa komunidad.
Bukas na ngayon para sa mga estudyante ang four-story school building na may 12 classroom sa Tangos Elementary School I at ang four-story building na may walong classroom sa Tanza Elementary School. Ang mga bagong pasilidad na ito ay inaasahang tutulong sa pagtugon sa mga pangangailangan sa silid-aralan at magbibigay ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral para sa mga mag-aaral at guro.
Pinasinayaan din ang bagong ayos na Pantay-Pantay Covered Court at S. Roldan Covered Court sa Barangay Tangos South, at ang Kapalaran Covered Court sa Barangay San Roque. Ang mga na-upgrade na pasilidad ay magsisilbing venue para sa sports, community gatherings, at iba’t ibang aktibidad.
Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang pangako ng pamahalaang lungsod sa pamumuhunan sa edukasyon at imprastraktura na direktang makikinabang ang mga Navoteño.
“Education remains one of our top priorities because it empowers our youth and shapes the future of our city. These new school buildings will provide our students with better spaces to learn, grow, and succeed. Likewise, our renovated covered courts will strengthen community engagement and provide residents with safe and functional venues for various activities,” sabi ni Mayor Tiangco.
Samantala, binigyang-diin ni Congressman Toby Tiangco ang kahalagahan ng sustained infrastructure development sa pagsuporta sa pangangailangan ng lumalaking populasyon.
“These projects reflect our continuing efforts to ensure that every Navoteño has access to quality public facilities. By investing in schools and community spaces, we are investing in the future of our children and the overall well-being of our communities. We will strive to continue to bring programs and projects that create lasting benefits for our people,” pahayag ni Cong. Tiangco.
Ang blessing at pagpapasinaya ng mga pasilidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lungsod na pahusayin ang pampublikong imprastraktura at pagandahin ang kalidad ng buhay ng mga Navoteño bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-19 na Cityhood Anniversary ng Navotas. Jojo Rabulan