MANILA, Philippines – Inatasan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng regional offices at mga istasyon nito na makipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education sa pagsisiguro ng mga campus at major school activities.
“We encourage schools to coordinate with local police stations before conducting major off-campus activities so that proper security assessments, emergency response planning, traffic management, and coordination with rescue and medical services can be undertaken,” sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Linggo, Hunyo 28.
“Prevention begins with strong partnership and advance planning.”
Matatandaan na humingi ang DepEd ng mas mahigpit na safety protocol at police patrol kasunod ng pamamaril sa paaralan sa Tacloban City noong Hunyo 22 kung saan tatlong estudyante ang nasawi.
Inatasan na ang pwersa ng kapulisan sa buong bansa na isama ang mga paaralan sa police visibility planning at implementasyon para masiguro ang kaligtasan ng mga nabanggit na lugar. RNT/JGC